GMA Logo Team YSAGUEL, Team KOBOY
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Team YSAGUEL at Team KOBOY, maghaharap sa 'The People Have Spoken' ngayong Sabado

By Kristine Kang
Published June 11, 2026 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Vanessa Pulgarin says 'it's an honor' to be likened to Max Collins
Iloilo authorities probing cyclists using fast lane
Arnold Clavio, nagluluksa sa pagpanaw ni seasoned radio anchor Jimmy Gil

Article Inside Page


Showbiz News

Team YSAGUEL, Team KOBOY


Sino kaya ang makakapulso sa boses ng People? Abangan 'yan sa 'The People Have Spoken'!

Magiging solid ulit ang ating weekend night sa pinakabagong GMA original game show na hatid ng GMA Comedy, The People Have Spoken!

Ngayong Sabado (June 13), humanda ulit sa kuwentuhan at tawanan kasama ang ating mga host na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.

Makakasama rin ang mga bagong celebrity pairs na maghaharap sa game show, kung saan susubukan nilang pulsuhin ang boses ng People.

Para sa Team YSAGUEL, game na lalaban ang Kapuso sweethearts na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega. Makakatapat naman nila ang Bubble Gang stars na sina Kokoy De Santos at Buboy Villar, o mas kilala bilang Team KOBOY!

Sagot na rin ang kulitan at samu't saring opinyon ng ating celebri-peeps na sina unfiltered podcaster Baus Rufo at events host at content creator, na si Janeena Chan!

Sino kaya sa ating celebrity pairs ang mananalo ng cash prize?

Huwag palampasin ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.

Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Samantala, tumutok din sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!

Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.

Kilalanin ang ating celebri-peeps sa gallery na ito: