GMA Logo Ashley Ortega
What's on TV

Teaser ng swimsuit scene ni Ashley Ortega sa 'Hearts On Ice,' umani ng 1.2M views online

By Aimee Anoc
Published April 17, 2023 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Pinag-uusapan ngayon online ang pasilip sa swimsuit scene ni Ashley Ortega bilang Ponggay sa 'Hearts On Ice.'

Nasa mahigit 1.2 million views na ngayon online ang teaser ng Hearts On Ice para sa mga aabangang eksena nito ngayong linggo, kasama na rito ang pinag-uusapang swimsuit scene ni Ponggay (Ashley Ortega).

Sa one-minute teaser na inilabas noong Sabado (April 15) para sa ikaanim na linggo ng Hearts On Ice, ipinasilip ng nasabing serye ang ilan sa mga kaabang-abang nitong eksena tulad ng kagustuhan ni Ponggay na mag-quit na sa figure skating at ang pagbibigay ng lakas ng loob ni Enzo (Xian Lim) sa kanya.

Ipinakita rin ang pair skating nina Ponggay at two-time Winter Olympian Michael Martinez. Bukod dito, pilit na inaalam nina Enzo at Oliver (Ruiz Gomez) ang babaeng nagpapangiti kay Bogs (Kim Perez).

Sa huli, ipinakita ang pagpasok ni Ponggay nang naka-black swimsuit kung saan napatitig si Enzo at napatingin din ang kapwa niya figure skaters.

Bukod sa million views, nakakuha rin ng libo-libong reaksyon ang teaser na ito. Ilan sa komentong natanggap ng swimsuit scene na ito ni Ponggay ay "Nakakakilig sila ni Enzo," "Laban, Pauline," "Ang sexy ni Ponggay, " at "Ponggay slays."

Patuloy na subaybayan ang mga nakakakilig na eksena nina Ponggay at Enzo sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

MAS KILALANIN SI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: