
Dalawang appreciation posts ang ibinahagi ni Tekla para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang The Boobay and Tekla Show co-host at kaibigan na si Boobay.
Lumalim ang pagkakaibigan nina Boobay at Tekla nang magsama ang fun-tastic duo para sa Kapuso comedy program. Sa katunayan, mapapanood sa November 8 episode ng TBATS ang emosyonal na tagpo kung saan ibinigay ni Boobay kay Tekla ang kanyang birthday wish.
Ito rin ang pinag-ugatan ng madamdaming mensahe ni Tekla para sa kanyang co-host.
Aniya, “No words can say how much I love you bem, love kita deep in my heart. Ingat ka lagi Norman Balbuena, napakabuti ng puso mo. Pasyensya ka na sa munting handog bago ka bumiyahe papunta sa family mo. Advance happy bday bem. Hayaan mo sa birthday ko yung wish ko ibibigay at ipagkaloob ko sa'yo. Enjoy your special day, love kita.”
Isa pang pagbati ang kanyang ipinarating sa pamamagitan ng Instagram.
Ayon sa post ni Tekla, “Tabi tabi po, mauna na kong bumati sa aking partner ng maligayang kaarawan sa Nov 7. Mahal kita at maraming salamat sa pag alalay mo at pagdarasal mo para sa akin. #TBATS @boobay7.”
Ang special birthday episode ni Boobay ay mapapanood sa fresh episode ng TBATS ngayong Linggo.