
Espesyal ang The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, January 10! Maliban kasi sa pagsalubong ng fun-tastic duo at The Mema Squad sa bagong taon with a fresh episode, ipagdiriwang din nila ang kaarawan ni Tekla.
Tampok sa TBATS ang birthday celebration ni Tekla. At kung noong kaarawan ni Boobay ay siya ang nakatanggap ng birthday wish ng kanyang co-host, ngayon naman ang kanyang pagkakataon upang ibahagi ang kanyang birthday wish sa kanyang ka-tandem sa pagpapatawa.
Special guests din sa episode ang StarStruck alumnus na sina Mark Herras at Kim de Leon.
Magpapakitang-gilas ang dalawang Kapuso stars ng kanilang dance moves. Sila rin ang sasalang sa segment na 'May Pa-PressCon' kung saan haharapin nila ang mga controversial at provocative questions. Patuloy pa silang maha-hot seat sa pagbasa ng 'Uncensored Tweets' mula sa kanilang fans.
Matapos nito, sina Mark at Kim din ang makakasama nina Boobay, Tekla at The Mema Squad na binubuo nina Skelly Clarkson, Pepita Curtis, at The Miss Tres upang maglaro ng 'The Whisper Challenge.'
Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, January 10, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!
Samantala, silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: