GMA Logo Tessie Tomas, Paolo Pangilinan
What's Hot

Tessie Tomas, honored na bumida sa 20th anniversary episode ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published August 17, 2022 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Tessie Tomas, Paolo Pangilinan


Abangan si Tessie Tomas kasama sina Paolo Pangilinan, Sassa Gurl, at Bench Hipolito sa bagong anniversary episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado sa GMA.

Isa na namang kaabang-abang na 20th anniversary episode ang handog ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 20, na pagbibidahan ng batikang aktres na si Ms. Tessie Tomas.

Mayroon na ngayong mahigit 1.4 million views ang trailer para sa "Bintang" anniversary episode ng Wish Ko Lang na tungkol sa isang pamilyang nasira ang buhay dahil napagbintangang magnanakaw.

Bibigyang buhay ni Ms. Tessie ang kuwento ni Lorna, isang tindera ng baboy sa palengke, na sa kabila ng hirap ng buhay ay kinupkop at itinuring na tunay na mga anak sina Jaya (Bench Hipolito), Pogi (Paolo Pangilinan), at Mima (Sassa Gurl).

Lalong naghirap ang pamilya nang mapalayas sa palengke matapos na mapagbintangan ng mag-inang Ester (Aleck Bovick) at Jona (Yvette Sanchez) na ninakaw ni Pogi ang cellphone na pag-aari nila.

Ayon kay Ms. Tessie, isang karangalan para sa kanya na maimbitahang bumida para sa ika-20 taong anibersaryo ng Wish Ko Lang.

"Siyempre nakakataba ng puso, napakasuwerte ko naman na maimbita lang ako anniversary episode pa. Parang ipinapakita rin na may tiwala sila sa akin, na kaya kong gampanan ang isang mabigat na role for the anniversary," sabi niya.

Huwag palampasin ang special episode na ito ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 20, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: