
Sa episode ng The Best Ka! na ipinalabas noong nakaraang Linggo, ibinida nina Mikael Daez at Rhian Ramos ang mga naglalakihang imbensyon sa iba't ibang panig ng mundo.
Bukod kina Mikael at Rhian, nakisali rin ang ating best na si Sanya Lopez sa katatapos lang na exciting na episode.
Isa sa itinampok na higanteng imbensyon ay ang human-size teddy bear na gawa mismo ng mga Pinoy.
Ibinahagi ni Kleo Marro, isa sa may-ari ng Patama Gift Shop kung bakit naisipan nilang gumawa ng giant teddy bears, “Kaya nagustuhan po namin 'yung malalaking teddy bear kasi iyun 'yung masarap ipangregalo sa taong mahal mo. Sila 'yung puwede mong yakapin. Tapos kapag may namimiss kang someone, pwede mo i-imagine na sila 'yung kasama mo through teddy bear na ibinigay sa'yo.”
Alam n'yo ba mga best, na ang ginagawa nilang mga teddy bear ay may sukat na 13 feet na katumbas ng dalawang ref na pinagpatong?
Ayon pa sa mga gumagawa nito, ang inilalagay nilang bulak ay mayroong bigat na 40 kilos at ang tela o balat naman nito ay umaabot sa 5 to 8 kilos ang bigat. Kaya naman, inihahalintulad nila ang human-size teddy bears sa isang kaban na bigas.
Sobrang laki at sobrang bigat pala talaga ng teddy bear na ito!
Panoorin kung paano ginagawa ang giant teddy bears dito:
Kilalanin ang iba pang kahanga-hangang indibidwal at tunghayan ang iba pang nakabibilib na kuwento na itatampok sa The Best Ka!, mapapanood tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.
Samantala, alamin sa gallery na ito ang mga dahilan kung bakit dapat n'yong gawing must-watch show ang The Best Ka! tuwing Linggo.