
Sa ikalimang linggo ng The Good Daughter, ipinatapon lahat ni Sharon Alejandro (Alicia Mayer) ang natitirang alaala ng namayapang ina ni Bea na si Tina Atilano (Glydel Mercado).
Tuluyan na ring inangkin ni Sharon ang dating kwarto ng ina ni Bea. Dahil dito labis ang galit sa kanya ni Bea Atilano-Guevarra (Kylie Padilla).
Walang ibang nagawa si Bea kung hindi bumili na lamang ulit ng mga bagong kagamitan na magpapaalala sa kanyang ina tulad ng sewing machine na mailalagay sa kwarto ng ina. Pero ang hindi alam ni Bea ay ginawa na itong nursery roon ni Sharon.
Nang malaman ito, agad na tinulungan ni Darwin (Rocco Nacino) si Bea na alisin ang mga kagamitang nilagay ng kanyang ina.
Hindi naman sinasadyang nabangga ni Darwin ang ilaw sa kwarto na naging sanhi para masunog ang kunang binili ni Sharon. Inakala naman ni Sharon na sinadya itong gawin ni Bea para maghiganti sa kanya. Kaya naman pinagsasampal niya ang huli at hinabol paakyat ng hagdan
Habang hinahabol si Bea sa hagdan, nagkamali ng tapak si Sharon kaya nalaglag ito pababa. Dahil sa pangyayaring ito, isinugod sa ospital si Sharon at dito na nila nalaman na nalaglag ang batang dinadala nito.
Pilit namang ipinaliwanag ni Bea kay Rico Guevarra (Raymond Bagatsing) na aksidente ang lahat ng nangyari at hindi niya sinunog ang kuna. Pero hindi siya pinapaniwalaan ng kanyang ama hanggang sa mauwi ito sa pagtatalo. Dito na rin tuluyang pinalayas ni Rico si Bea.
Kahit na masakit sa loob ni Bea, umalis siya sa mansyon at pansamantalang nanuluyan sa kaibigang si Ziri (Max Collin).
Patuloy na subaybayan ang The Good Daughter, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, balikan ang mga eksena sa The Good Daughter:
The Good Daughter: Evil Sharon gets caught in the act | Episode 21
The Good Daughter: Bea's unplanned revenge | Episode 22
The Good Daughter: Darwin's genuine concern | Episode 23
The Good Daughter: Ziri is brokenhearted| Episode 24
The Good Daughter: Bea is missing | Episode 25