GMA Logo LJ Reyes, Alicia Mayer, Kylie Padilla
What's on TV

The Good Daughter: Nagiging malapit na sina Darwin at Bea sa isa't isa | Week 3

By Aimee Anoc
Published September 6, 2021 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes, Alicia Mayer, Kylie Padilla


Naging tagapagtanggol ni Bea si Darwin kina Sharon at Frances.

Sa ikatlong linggo ng The Good Daughter, hindi inakala ni Bea Atilano-Guevarra (Kylie Padilla) na mapapalapit siya kay Darwin (Rocco Nacino) dahil simula pa lamang ay hindi na sila magkasundo.

Nagbago ang lahat nang sa tuwing nakararanas ng problema si Bea ay parating naririyan si Darwin para sa kanya. Tulad na lamang nang ipagtanggol siya ni Darwin sa mga lalaking kumuha sa kanya sa bar noong lasing na lasing siya. Agad na sinuntok ni Darwin ang dalawang lalaki at inalagaan si Bea hanggang sa magising at mahimasmasan.

Samantala, sa pagdiriwang ng kaarawan ng pumanaw niyang inang si Tina Atilano (Glydel Mercado), naghanda si Bea ng simpleng salo-salo kasama ang malapit nitong kaibigan na si Ziri (Max Collins).

Katulong na gumawa ni Bea ng cake para sa kanyang ina si Darwin. Pero hindi ito natapos dahil biglang dumating ang ama nitong si Rico Guevarra (Raymond Bagatsing) at pinagsabihan siyang umiwas kay Darwin dahil kapahamakan lamang ang dulot nito sa kanya.

Gumawa naman ng paraan si Frances (LJ Reyes) para masira ang selebrasyon ng kaarawan ng nanay ni Bea. Ipinag-utos nito sa yaya nila na sunugin ang cake na ginawa ni Bea. Nangyari nga ito, at hindi na nakain ang cake na gawa ni Bea.

Dahil sa patuloy na binabagabag ng nakaraan, nais na sabihin ni Julia sa tatay nitong si Rico ang tunay na nangyari sa pagkamatay ni Tina. Pero agad na pinutol ni Sharon Alejandro (Alicia Mayer) ang pag-uusap nilang mag-ama at binalaan si Julia na huwag na ulit tatangkaing sabihin ang sikretong ito.

Patuloy na subaybayan ang The Good Daughter, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ang mga eksena sa The Good Daughter:

The Good Daughter: | Episode 11

The Good Daughter: | Episode 12

The Good Daughter: | Episode 13

The Good Daughter: | Episode 14

The Good Daughter: | Episode 15