GMA Logo Jak Roberto Rocco Nacino on The Missing Husband
What's on TV

The Missing Husband: Joed, malalaman nang buhay si Anton?

By EJ Chua
Published November 8, 2023 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cambodian parliament passes landmark cybercrime law after scam center scrutiny
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto Rocco Nacino on The Missing Husband


Ano kaya ang gagawin ni Joed kapag nalaman niyang buhay pa pala si Anton? Abangan sa 'The Missing Husband.'

May bagong rebelasyon sa pinag-uusapang action suspense drama series na The Missing Husband.

Nang mawala si Anton (Rocco Nacino), unti-unting pinilit ni Millie (Yasmien Kurdi) na ipagpatuloy ang kanyang buhay.

Lumipas ang panahon, naghilom ang mga sugat ni Millie tungkol sa lahat ng paghihirap at sakit na naranasan niya magmula nang mangyari ang scam issues.

Matatandaang isang araw, nakatanggap si Millie ng balita na wala na ang kanyang asawa na si Anton at may mga patunay pa siyang nakita tungkol dito.

Kasunod nito, unti-unti siyang nagmove on hanggang sa natutuhan na niyang mahalin ang pulis na si Joed, ang role ni Jak Roberto sa serye.

Ngayong Miyerkules, November 8, muling magkakaharap sina Joed at Brendan (Joross Gamboa), ang scammer na kaibigan noon ni Anton.

May makuha kayang bagong impormasyon si Joed mula kay Brendan?

Gagawin ni Joed ang lahat upang malaman ang katotohanan tungkol sa nangyari kay Anton.

Kaabang-abang kung paano niya malalaman na buhay pa si Anton.

Silipin ang ilang eksenang mapapanood mamaya sa video na ito:

Huwag palampasin ang susunod na mga tagpo sa bagong seryeng handog ng GMA.

Patuloy na subaybayan ang kwento ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: