
Habang nasa set ng upcoming suspense drama series na The Missing Husband, bumisita ang 24 Oras team para kumustahin at interviewhin ang ilang kabilang sa cast ng serye.
Sa latest post ng isa sa lead stars na si Yasmien Kurdi, makikita ang mga larawan kung saan nakatuwaan niyang maging camera operator.
Habang on going ang interview ni Lhar Santiago sa aktor na si Jak Roberto, sinubukan ni Yasmien ang pagkuha ng videos gamit ang camera na nakatutok sa dalawa.
Kitang-kita sa mga larawan nag-e-enjoy ang aktres sa kanyang ginagawa.
Kamakailan lang, ibinahagi ni Yasmien sa Instagram na binisita siya ng kanyang anak na si Ayesha sa set ng upcoming series.
Samantala, nalalapit na ang pagpapalabas ng bagong teleserye sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood si Yasmien sa naturang programa bilang si Millie, habang si Jak naman ay gagampanan ang karakter ni Joed.
Bukod sa dalawang aktor, mapapanood din sa serye sina Rocco Nacino, Joross Gamboa, Sophie Albert, Nadine Samonte, Bryce Eusebio, Cai Cortez, Max Eigenmann, at marami pang iba.
Sagutan ang poll sa ibaba:
SILIPIN ANG SET NG THE MISSING HUSBAND SA GALLERY SA IBABA: