
Mga Kapuso! Malalaman na mamaya kung sino ang hihiranging kauna-unahang The Voice Generations winner sa Pilipinas at sa buong Asya.
Matapos ang labinlimang linggo, apat na grupo ng talents ang natirang matibay matapos silang sumalang sa iba't ibang rounds ng kompetisyon.
Mula sa team ni Coach Billy Crawford na Team Bilib nanatili hanggang sa dulo ang trio na P3 na sina sina Karl Tanhueco, Arvie Centeno, at Tan Sultan na pambato ng Bulacan at Pampanga.
Nanaig din ang mga boses ng duo na Music and Me na sina Fedrianne Quilantang Villanueva at J-Ann Talisic mula sa Bohol sa team ni Coach Julie Anne San Jose na Julesquad.
Isang hakbang na lamang din ay posible nang magbago ang mga buhay ng grupo ng mga kabataang singers mula sa Cagayan De Oro na Vocalmyx dahil sila ang ilalaban ni Coach Stell bilang pambato ng Stellbound sa finals.
Ang nasabing grupo ay binubuo nina Renier Jupiter, Raven Joshua Zamora, Renz Romano, Reynan Paul, Shanny Obidos, Claire Marie Rañoa, Charisse Engracia Apag, at Rico Robito.
Road to stardom na rin ang girl group na Sorority mula sa Cebu dahil sila ang pambato ng team ni Coach Chito Miranda na Parokya Ni Chito.
Sino sa P3, Music and Me, Vocalmyx, at Sorority, ang gusto niyong manalo? Maaari niyong iboto ang inyong napupusuang duo o grupo ng talent gamit ang GMA Network Website at GMA Network App ngayong Linggo, December 10.
Para sa buong detalye, magtungo lamang sa GMANetwork.com, o hintayin ang updates na sasabihin ng host na si Dingding Dantes sa The Voice Generations, mamayang 7:20 p.m. bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Para sa mga Pinoy abroad, mapapanood ang The Voice Generations sa GMA Pinoy TV.