
Lubos ang pasasalamat ng singer at theater actress na si Thea Astley sa isang proyekto na kanyang pagbibidahan bilang isa sa celebrity dance stars sa upcoming dance competition na Stars on the Floor.
Bilang sanay sa pagiging biritera, ibinahagi ng Sparkle artist sa isang exclusive interview na hindi niya inaasahan na darating ang araw na siya ay sasayaw sa isang malaking dance show.
"Noong time po na this was presented to me, I was mourning the heartbreak of parang other opportunities na hindi ko nakuha," ikinuwento ni Thea.
Dagdag nito, "Tapos nagpe-pray po talaga ako kay Lord na 'Ano na po yung next sa akin?' and siguro nga dahil I am primarily known as a singer talaga and theater actress, akala ko 'yung ibibigay na opportunity ng Panginoon is nandoon sa lane na 'yun."
Inamin ni Thea na sa una ay hindi niya agad nakita na ang ipinagdasal niya ay nasa harapan na niya.
"Siya yung pinagpe-pray ko," sabi ni Thea sa pagdating ng proyektong ito.
Hindi makapaniwala si Thea na ang dadating sa kanya ay may kinalaman sa pagsasayaw dahil siya ay sumasayaw-sayaw lamang sa All-Out Sundays katulad ni Faith Da Silva na kasama din nito sa celebrity dance stars.
"Sumasayaw-sayaw din ako pero hindi ko po talaga iko-consider yung sarili ko na dancer," pag-amin ng Stars on the Floor dancer.
Opisyal nang ipinakilala ang celebrity at digital dance stars sa ginanap na mediacon ng show nitong Miyerkules, June 18, sa Studio 7 ng GMA Network Annex.
Makakasama ni Thea sina Glaiza De Castro, Rodjun Cruz, Faith, at VXON Patrick sa celebrity dance stars.
Pangungunahan naman nina Zeus Collins, Dasuri Choi, Joshua Decena, Kakai Almeda, at JM Yrreverre ang mga magpapakitang gilas sa digital dance stars.
Abangan ang Stars on the Floor ngayong June 28 na saa GMA.
Samantala, tingnan dito ang mga nangyari sa mediacon ng Stars on the Floor: