
Talaga namang maraming nahu-hook sa mga maaksyon at nakatutuwang tagpo ng action-comedy series ng GMA na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pinagbibidahan nina Bong Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.
Bukod sa mataas na TV ratings, patok din sa netizens ang theme song ng naturang serye.
Makikita sa popular app na TikTok na marami ang gumagamit ng theme song ng programa para sa kani-kanilang videos.
Ibinahagi ng TikTok user na si @gbv1434 ang kanyang video, kung saan mapapanood ang pagsayaw niya gamit ang theme song ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
@gbv14344 Good morning everyone …. 😘🥰❤️
♬ original sound - Beauty Gonzalez
Samantala, ang theme ng action-comedy series ang nagsilbing background music ng video ng BLACKPINK member na si Rosé, base sa video na inupload ng official TikTok account ng Dispatch.
@dispatch_tiktok 가슴에 손얹고 생각해 보자 #블랙핑크 #blackpink #로제 #디스패치 #dispatch #dipe #공항패션 #kpop #fashion ♬ original sound - Beauty Gonzalez
Ito ang iba pang TikTok videos ng netizens gamit ang catchy theme song ng serye.
@glaisamanansala ♬ original sound - Beauty Gonzalez
@rosalievitugsanto ♬ original sound - Beauty Gonzalez
@quenniearrabil ♬ original sound - Beauty Gonzalez
@evelynbo03 ♬ original sound - Beauty Gonzalez
Samantala, nakapagtala ng mataas na TV ratings ang nakaraang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, ayon sa NUTAM People Ratings. Umani ng 11.5 percent ratings ang episode ng serye na ipinalabas noong July 16.
Subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.
ALAMIN ANG PREPARASYON NG CAST NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS PARA SA KANILANG ROLES SA GALLERY NA ITO: