GMA Logo Therese Malvar
What's Hot

Therese Malvar bags another best actress award for film 'Broken Blooms'

By Jimboy Napoles
Published December 8, 2022 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce, Venus Williams, Nicole Kidman to co-chair 2026 Met Gala
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Therese Malvar


Therese Malvar, best actress sa Saskatchewan International Film Festival sa pelikulang 'Broken Blooms.'

Muling kinilala bilang best actress ang Kapuso actress na si Therese Malvar sa ginanap na Saskatchewan International Film Festival sa Canada dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa independent film na Broken Blooms.

Mayo ngayong 2022 rin nang tanghaling best actress si Therese sa Mokkho International Film Festival sa India dahil sa naturang pelikula.

Kasama ni Therese sa Broken Blooms ang ilan pa sa multi-awarded Kapuso stars na sina Jaclyn Jose, Jeric Gonzales, Lou Veloso, Royce Cabrera, at Boobay.

Ang independent film na ito na idinerehe ni Louie Ignacio ay sumasalamin sa realidad ng kahirapan ng ilang pamilyang Pilipino.

Ngayong taon, nakakuha na ng mahigit sa 14 na international recognitions and awards ang nasabing pelikula.

Simula December 14, mapapanood na rin sa local cinemas ang award-winning independent film na Broken Blooms.

KILALANIN ANG MULTI-AWARDED KAPUSO ACTRESS NA SI THERESE MALVAR SA GALLERY NA ITO: