GMA Logo TJ Monterde and KZ Tandingan
Screenshot from i-Listen; @niceprintphoto via @tjmusicmonterde (IG)
What's Hot

TJ Monterde, niregaluhan si KZ Tandingan ng kanilang dream lot para sa kanilang dream home

By Aimee Anoc
Published August 28, 2026 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From wards to the presidential suite: Room rates at the PGH
Farm to Table: (September 13, 2026) LIVE
Indonesia's top pet food brand enters PH market with certified, affordable nutrition

Article Inside Page


Showbiz News

TJ Monterde and KZ Tandingan


Binalikan din ni TJ Monterde ang struggles three years ago at kung paanong naniwala at sinuportahan siya ni KZ Tandingan. Basahin dito.

Noon lamang nakaraang buwan ay niregaluhan ng singer-songwriter na si TJ Monterde ang asawang si KZ Tandingan ng kanilang dream lot para sa kanilang dream home.

Sa kanyang pakikipagkuwentuhan kay Kara David para sa i-Listen, ibinahagi ni TJ ang bagong milestone na ito, maging ang struggles three years ago kung saan hirap siyang makapag-provide at kung paanong binago ng kantang "Palagi" ang lahat.

Kuwento ni TJ, "medyo slow burn" ang naging takbo ng kanyang career. Isa sa mga una niyang awitin na nag-hit ay ang "Tulad Mo" noong 2015.

"From then, paunti-unti, medyo slow burn 'yung career ko. So paunti-unti tapos 'yung time na 'yon, nanliligaw na ako kay KZ. Tapos may mga times pa no'n na parang ini-issue ako na 'ginagamit mo lang naman si KZ kasi sikat siya e,'" sabi niya.

"So 'yon 'yung mga times na napapaisip na ako, parang, huwag na lang kaya. 'Yun na 'yung unti-unti nang pumapasok sa head ko na baka hindi for me.

"Tapos paunti-unti, nagkaka-hit naman. And somehow, may still small voice na tuloy mo lang, may pupuntahan 'yan kahit papaano."

Pero noong 2020, ani TJ, dito na siya nag-give up. Sabi niya, "Parang nag-decide na ako na wala na.

"May songs naman ako, okay naman. Alam mo 'yung parang kilala ka naman nila pero hindi talaga dumidiretso."

Dito na rin daw niya sinabi kay KZ na magtatayo na lamang siya ng coffee shop at ang asawa na lang ang magpapatuloy sa musika.

Pero ani KZ sa kanya, "Kung wala ka nang tiwala sa sarili mo, may tiwala ako sa 'yo. Sabi niya, 'Ako muna magsu-support kung kailangan.'

"Kasi nu'ng time na 'yon, wala na, pandemic pa. Depleted na talaga ako. And, alam mo 'yon, as a man of the house, ako 'yung provider dapat, ako 'yung lalaki."

"Pero that time, si KZ 'yung... mas maganda 'yung career niya kaysa sa akin. So, siya 'yung nagpo-provide mostly sa aming lahat.

"The least I could do was... gigising siya for show niya, gigising ako maaga, magluluto ako. Kung ano 'yung kaya kong i-prepare, prepare her clothes, steam her clothes, ida-drive ko siya, ihahatid ko siya, susunduin ko siya, that's the least I can do."

Noong panahon daw na ito ay si KZ muna ang nagpo-provide. Sa kabila nito, ani TJ, hindi siya nakaramdam ng insecurity.

"For some weird reason, wala akong insecurity. Kasi grabe i-handle ni KZ 'yung situation, na parang walang kahit isang sumbat."

Ibinahagi rin ni TJ ang tiwala at suporta sa kanya ni KZ. Sabi raw sa kanya ng asawa, "Darating 'yung time mo, nandito lang ako. Magsu-support ako sa 'yo even if ito muna 'yung situation natin ngayon. Okay lang kasi may time na... niloloko niya ako, 'May time na lahat ng bag na gusto ko bibilhin mo pa.'"

Ikinuwento rin niya ang pag-surrender sa Diyos noong panahong iyon.

"Sabi ko, 'Lord, wala na 'to. Ayoko na, give na ako. Thank you for the talent. Thank you for the chance. Thank you for all those times. But I think I've written my best songs already. 'Yun 'yung sinabi ko talaga. Parang surrender kay Lord.

"Yun 'yung time na nag-independent na rin ako, so wala na akong machinery, just me. Parang paano ko mahihigitan 'yung songs ko dati. Grabe 'yung pressure sa akin. Pero, I surrendered everything to God.

"Sabi ko 'yung covenant ko and declaration nu'n was, 'Lord, it's not about my songwriting, but it's about your blessing. Even if I make the most beautiful song in the world, if it doesn't have your blessing, walang sense lahat ng 'to.' And that was when I wrote 'Palagi.'"

Ayon kay TJ, noong isinulat niya ang kantang "Palagi" ay wala na siyang kahit na anong expectation kung sisikat ito o hindi.

"Walang ganu'n. I went back to the 13-year-old boy who wrote his first song. Gusto ko lang magsulat ng kanta. Walang comparison."

Kuwento pa niya, hindi intentional na ma-record ang "Palagi" dahil para lamang ito sa selebrasyon ng kanilang milestone ni KZ.

"It was just a celebration for a celebration, milestone namin ni KZ. Ten years simula nu'ng makilala ko siya, parang cinelebrate namin 'yung day na 'yon.

"I set up a surprise dinner for her and kinanta ko 'yung 'Palagi.' And, sobrang nagustuhan niya, parang, 'Babe, ang ganda ng song na 'to,' sabi niya. So we decided to record it, and after namin i-record 'yun na, wildfire everywhere. It was everywhere. And nagkaka-confidence na ako ulit.

"Sabi ko, 'Lord, mayroon pa pala. Parang, hindi pa pala tapos. Akala ko tapos na.' Nagkaka-invite na ako. Eh independent na 'ko no'n, so nakikita ko na 'yung kumbaga income nung songs. And somehow 'yun na rin 'yung nagagamit ko sa amin ni KZ, kumbaga. And one thing I was so happy about was 'yung unti-unti kaya ko ng mag-provide."

Binalikan din ni TJ, ang pagkakataon noong lumipat sila ng tirahan kung saan si KZ ang nagbigay ng downpayment para sa bahay at sasakyan.

"Part 'yun ng prayer ko nu'ng sinusulat ko 'yung song. Kasi sabi ko, 'Lord, itong bahay na 'to, siya 'yung nagbabayad nito. 'Yung binabayaran ko rito, tubig, kuryente lang. Hanggang dito na lang po ba talaga ako?'

"Shini-share ko 'to sa lahat to encourage people also na 'wag kayong mawalan ng chance, 'wag kayong mawalan ng pag-asa. Kasi that was just like what 2023, three years ago.

"Sinabi ko three years ago na 'Lord, hanggang kuryente at tubig na lang ba ako?' And just last month I gifted her our dream lot where we will put up our dream home...

"And ngayon, never did I imagine kaya kong bilhin 'yung lupang 'yon sa dream place namin at itatayo namin 'yung dream home namin do'n. And, promise ko sa kanya, ako ang magpapatayo ng dream home na 'yon para sa kanya."

Panoorin ang buong interview ni TJ Monterde sa i-Listen sa video na ito: