Showbiz News

WATCH: Michael V and wife spend 20th church wedding anniversary in Japan

By Marah Ruiz

Alam n'yo bang tatlong beses palang kinasal si Kapuso comedian Michael V sa kanyang asawang si Carol Bunagan?

Ibinahagi ni Bitoy ang trivia na ito tungkol sa kanila ni Carol—na kung tawagin niya ay Ayoi—sa kanyang lastest vlog entry na #BitoyStory 006: "Sapporo." 

Ayon sa komedyante, nagkaroon sila ng civil wedding noong April 1994. Ginanap naman ang kanilang church wedding noong February 1998. After 10 years, nag-renewal of vows ang mag-asawa noong February 2008. 

Dahil 20th anniversary na ng kanilang church wedding ngayong 2018, nagplano sina Bitoy at Ayoi ng biyahe papunta sa Sapporo, Japan. 

Kasama rin nila ang kanilang bunsong anak na si Maypaul. 

Binisita nila ang Olympic Museum kung saan sumakay sila ng ski lift. Dumaan din sila sa tanyag na Sapporo Beer Museum at Ishiya Chocolate Factory. Nasubukan din ng pamilya ang snow rafting at tube sliding sa Tsudome Snow World. 

Panoorin ang iba pang adventures ni Bitoy sa travel vlog na ini-dedicate niya sa kanyang wife of 24 years: 

Video courtesy of Michael V. #BitoyStory