Showbiz News

Kris Aquino, pinasundo ng helicopter at kinupkop sa bagong beach resort ni Willie Revillame

By Marah Ruiz

Pansamantalang pinatuloy ni Wowowin host Willie Revillame ang kanyang kaibigang si Queen of All Media Kris Aquino sa beach resort na ipinapatayo niya.

Sa isang maikling video na ibinahagi ni Kris sa Instagram, ipinakita niya ang helicopter na sumundo sa kanila ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Matapos nito, makikita ni Kris na nakasakay sa yacht ni Willie habang ibinibida ang pinapatayong beach resort ng host.

Sandali rin na mapapanood si Willie na personal pang nag-spray ng pabango sa kuwartong gagamitin ni Kris.

Ikinuwento naman ni Kris paano siya kinupkop ni Willie.

"i'll try to make this short, TRY-- for the community quarantine we were ready to stay in Boracay but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & bimb has asthma," sulat niya.

"a kindhearted, generous, and SPECIAL friend of ours pinasundo (thank you Capt Elmer) & ngayon kinukupkop kami. bakit di po kami dumirechong umuwi? wrong timing kasi ako, nagpa renovate ng 2nd floor, clean & ready early next week," dagdag pa niya.

Dahil sa generosity na ipinakita ni Willie, nag-iwan din si Kris ng positibong mensahe para sa kanyang followers.

"if you want a tour of willie's new beach property (para gumaan ang stress) kayo na mag request here, i'll show him-- na SHY na ko," paghikayat niya sa kanyang followers.

"i included shots of how beautiful our country is, para maalala nating mag TULUNGAN sa gitna ng pagsubok, magsuportahan, magpakatatag, sumunod sa mga pagpapahalaga sa KALUSUGAN ng LAHAT, magdasal para sa isa't isa, at magmahalan." pagtatapos niya.

Itinuturing na Kris na mabuting kaibigan si Willie.

Bumista pa ito sa studio ng Wowowin sa bisperas ng birthday ng host para magbigay suporta sa outreach program nito.