
Kilig na kilig at hindi naiwasang mag-fangirl ni Kapuso actress Ashley Ortega nang makasama sa taping ng Hearts On Ice ang two-time Winter Olympian na si Michael Martinez.
Para sa mga hindi nakaaalam, close at matagal nang magkaibigan sina Ashley at Michael. Sa katunayan, sabay silang nag-training sa figure skating noong kabataan nila at may pagkakataon din na sabay silang lumaban sa isang local competition.
"Never in a million years kong maiisip na magkaka-work kami sa showbiz actually, kasi siyempre bata pa lang ako kasama ko na 'yan si Michael," kuwento ni Ashley sa interview ni Cata Tibayan ng 24 Oras.
Pagbabahagi naman ni Michael, nakilala niya si Ashley sa mga competition at shows. Natatawang pag-amin niya, "Honestly, she's like my biggest crush, maybe 'til this day."
Talaga namang kaabang-abang ang espesyal na partisipasyon ni Michael sa Hearts On Ice kung saan ipapamalas niya sa kauna-unahang pagkakataon sa isang serye ang husay at talento sa figure skating.
"I'm really happy that I get to portray as ako and I get to skate, I get to perform which 'yun nga, medyo mahirap akong mag-express ng words but at least I get to express myself through my skating here in the show," sabi ni Michael.
Isa pa sa dapat na abangan kay Michael sa serye ay ang pangmalakasang performance nila ni Ashley sa ice rink.
"We actually have a scene that we're gonna perform as pairs, so 'yun 'yung abangan nila," ani ni Ashley.
Pagbibidahan ang Hearts On Ice nina Ashley Ortega at Xian Lim kasama ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.
Huwag palampasin ang world premiere ng Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Panoorin ang full trailer ng Hearts On Ice dito:
TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG HEARTS ON ICE CAST MULA SA KANILANG MEDIA CONFERENCE SA GALLERY NA ITO: