GMA Logo Tanghalan ng Kampeon
PHOTO SOURCE: YouTube: Waleska Herrera
What's on TV

UK-based YouTubers Waleska and Efra Herrera, napahanga sa 'Tanghalan ng Kampeon' ng 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published April 1, 2025 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Tanghalan ng Kampeon


Alamin ang reaksyon nina Waleska at Efra Herrera sa 'Tanghalan ng Kampeon' at sa contestant na si Gary Villalobo.

Napabilib ang dalawang London-based YouTubers sa Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock.

Sina Efra at Waleska Herrera ay ipinakita ang kanilang reaksyon sa Tanghalan ng Kampeon sa kanilang Feature Friday episode sa YouTube. Ayon sa YouTube channel ni Waleska kasama niyang nagre-react sa mga mang-aawit sa iba't-ibang bahagi ng mundo ang kaniyang kapatid at co-host na si Efra.

Tanghalan ng Kampeon

PHOTO SOURCE: YouTube: Waleska Herrera

Saad ni Efra, nakakamangha ang mga singing contests ng GMA Network.

"GMA has some of the most demented, crazy, unbelievable singing contests in the whole planet."

Dagdag pa niya, "It's just amazing, the availability of talent over there."

Ang kanilang ginawang ng reaction video ay ang contestant ng unang season ng Tanghalan Ng Kampeon na si Gary Villalobo. Si Gary ay isang tricycle driver at kontisero na sumali sa Tanghalan Ng Kampeon sa TiktoClock.

Sa kanilang reaction video makikita ang paghanga nina Efra at Waleska sa talento ni Gary.

Saad pa ni Waleska, "He's got a very unique voice and he's very texturized. But also, he has years of wisdom and how to master and how to place certain notes which actually goes to show that the health of his technique is very accurate."

Panoorin ang kanilang reaskyon dito:

Samantala, patuloy na abangan ang mga kampeon sa Tanghalan ng Kampeon 2025 sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 A.M. sa GMA Network.

Sa mga nais mag-audition sa Tanghalan ng Kampeon 2025, basahin ang paalala ng TiktoClock dito.