
Mapapanood na ang pagsisimula ng exciting at insightful adventure ni Miguel Tanfelix sa Planet XP.
Ang Planet XP ay isang five-part magazine-infotainment special na partnership ng GMA Network at ng National Council for Children's Television (NCCT), bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV). Ang programang ito ay hango sa gaming term na “XP” o experience points dahil puno ito ng immersive na adventures.
PHOTO SOURCE: Planet XP
Exciting ang magiging simula ng Planet XP ngayong May 2 dahil ang unang adventure ni Miguel Tanfelix ay ang pagbisita sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan. Dito, susubukan ni Miguel na makaipon ng “real-world XP” sa pamamagitan ng pagtupad sa kanyang misyon kasama ang mga Dumagat.
Sa Ingat segment ng Planet XP, ibabahagi ang mahahalagang paalala para sa ligtas na pagsakay ng speedboat. Samantala, sa Planet Art segment, ipapakita ni Miguel ang mga natutunan niyang sayaw at musika mula sa mayamang kultura ng mga Dumagat.
Sa Pabaon segment naman, matitikman ang espesyal na Binungo, isang masarap na dish na gawa sa root crops.
Abangan ang exciting at puno ng kaalamang pagsisimula ng adventure ni Miguel Tanfelix sa Planet XP ngayong May 2, 6:30 p.m. sa GMA!