GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's on TV

Unang pasilip sa historical fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra,' approve sa netizens

By Jimboy Napoles
Published September 14, 2022 3:30 PM PHT
Updated September 16, 2022 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Dalawang dalagang Filipina mula sa magkaibang panahon ang ipinakilala sa unang teaser ng upcoming GMA historical fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra.'

Inilabas na nitong Martes, September 13, ang unang pasilip sa historical fantasy series ng GMA na Maria Clara at Ibarra na pagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, at 2016 Fantasporto International Best Actress Barbie Forteza.

Sa teaser, ipinakita na ang karakter ni Julie Ann bilang isang dalagang Filipina na si Maria Clara na nabubuhay noong taong 1887 suot ang magarang Filipiniana. Ipinakita rin ang karakter ni Barbie bilang si Klay na isang Gen Z na mapapadpad sa lumang panahon o sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal.

Dahil sa bagong atake ng nasabing series, marami sa mga netizen ang na-excite nang mapanood ang trailer.

"Excited much!!" komento ng isang netizen.

Dagdag naman ng isang fan, "Ang Ganda ng teaser."

Ang nasabing historical portal fantasy series ay binuo ng malikhaing produksyon naghatid sa telebisyon noon ng mga hindi malilimutang Kapuso series na Encantadia, My Husband's Lover, Sahaya, at Legal Wives.

Panoorin ang first teaser ng Maria Clara at Ibarra RITO:

SILIPIN NAMAN ANG ICONIC TELESERYE CHARACTERS NI BARBIE FORTEZA SA GALLERY NA ITO: