
Tatlong gabi na lang at mapapanood na ang finale episode ng Unbreak My Heart.
Habang dumadaan ang mga araw, lalong lumalala ang kalagayan ni Rose (Jodi Sta. Maria) dahil sa kanyang sakit.
Kasalukuyan siyang nahihirapan dahil sa kanyang sitwasyon at kasabay pa nito ang kagustuhan niyang makasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.
Sa mga nakaraang episode ng serye, napanood na itinakas ni Renz (Joshua Garcia) si Rose.
Kasabay ng sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang katawan ay ang pangungulila ni Rose sa kanyang anak na si Alex/Xandra (Gabbi Garcia).
Ngayong Martes, November 14, kaabang-abang ang mga susunod na eksena nina Renz at Rose.
Matutunghayan ang pagsugod ni Christina (Sunshine Cruz) kay Rose. Saan kaya aabot ang galit ni Christina? Maprotektahan kaya ni Renz si Rose? Dapat ding abangan kung makikita na ba muli nina Alex/Xandra at Matt (Richard Yap) si Rose.
Panoorin ang ilang pasilip sa eksenang mapapanood mamayang gabi:
Abangan pa ang mas matitinding rebelasyon at mga eksena sa natitirang ilang gabi ng Unbreak My Heart.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.