
Sa unang pagkakataon, mapapanood nang sama-sama sa Family Feud ng GMA Network ang cast ng inyong favorite noontime program, ang It's Showtime.
Siguradong #BestTimeEver ang inyong Lunes dahil magpapasikat sa masayang hulaan ang team ng Asia's Unkabogable Phenomenal Superstar na si Vice Ganda at ang team ng Asia's Multimedia Superstar na si Anne Curtis.
Kasama ni Meme Vice sa Team Vice ang mga kapwa niya palabang hosts na sina Jhong Hilario, Amy Perez, at Jugs Jugueta.
Hindi naman magpapatalo ang Team Anne na kinabibilangan nina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Teddy Corpuz.
Riot ang naganap na taping sa GMA studio dahil parehong competitive ang magkalabang teams.
Sino kaya ang mas unkabogable sa hulaan at Level 10 na asaran at laglagan - Team Vice o Team Anne?
Mas pinaaga ang airing ng Showtime episode sa Family Feud ngayong Lunes. Sa halip na 5:40 p.m., mapapanood ang programa simula 5:35 p.m. Opening segment pa lang ay may pasabog na ang host na si Dingdong Dantes kaya tiyaking masisimulan n'yo ang episode!
Ang uncut version naman ng Showtime guesting ay agad-agad ding mapapanood sa official Facebook at YouTube accounts ng Family Feud matapos itong ipalabas sa GMA Network.
MAS KILALANIN ANG IT'S SHOWTIME HOSTS SA GALLERY NA ITO: