GMA Logo its showtime hosts on family feud
What's on TV

'It's Showtime' hosts, makikisaya sa 'Family Feud' sa April 8

By Jimboy Napoles
Published March 27, 2024 10:54 PM PHT
Updated March 27, 2024 10:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

its showtime hosts on family feud


Survey says…It's Showtime!

Sa darating na April 8, mapapanood na sa Family Feud ang much-awaited guesting ng mga bagong Kapuso mula sa noontime show na It's Showtime.

Ang bardagulan ng mag-“sisteret” na sina Vice Ganda at Anne Curtis dadalhin na rin nila sa hulaan ng top survey answers.

Kasama sa team ni Unkabogable Vice ang kaniyang co-hosts na sina Jhong Hilario, Tiyang Amy Perez, at Jugs Jugueta.

Palab-Anne din ang team ni Anne kasama sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at ang nagbabalik-Family Feud na si Teddy Corpuz.

Matatandaan na naglaro na si Teddy noong March 13 sa ng pre-anniversary week special ng Family Feud kung saan nakasama niya ang kanyang bandang Rocksteddy.

Dito ay muntik nang manalo sina Teddy sa kalabang team na pinangungunahan ng OPM artist na si Barbie Almalbis.

Bigo mang makuha ang jackpot, sinabi noon ni Teddy na reresbak siya sa paglalaro sa game show kasama ang kanyang It's Showtime family.

Sa kanyang pagbabalik, maipanalo na kaya nila ng buong Team Anne ang PhP200,000 jackpot prize? Pero papayag naman kaya ang Team Vice na umuwing luha-Anne?

Abangan ang kanilang paglalaro sa Family Feud sa darating na April 8.

Samantala, mapapanood naman ang It's Showtime sa GMA at GTV simula sa April 6.

Araw-araw na manood ng Family Feud kasama si Dingdong Dantes, 5:40 PM bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official 'Family Feud' Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng 'Family Feud' at Kapuso Stream.

MAS KILALANIN ANG IT'S SHOWTIME HOSTS SA GALLERY NA ITO: