GMA Logo Family Feud
What's on TV

Up-and-coming actresses at male ramp models, may sizzling showdown sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published November 21, 2025 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebuano artist featured in Holy Week exhibit at Casa Gorordo Museum
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Sizzling and laughter-filled showdown ang tapatan ng Team Hotness vs Team Hunks sa 'Family Feud' ngayong November 21.

Up-and-coming actresses at male ramp models ang magpapagalingan sa exciting Friday night ng Family Feud.

Ngayong Biyernes, November 21, may survey harapan ang Team Hotness at Team Hunks. Mayroon pang inihandang pick-up lines ang ating handsome male players para sa mga sultry female constestants.

Ang Team Hotness ay ang grupo ng stunning and up-and-coming actresses sa streaming platform.

Maglalaro sa Family Feud si Aira Calzado na pinsan ng Encantadia star na si Iza Calzado. Makakasama niya ang fellow sirens na si Thalia Co na into modeling and dancing; Reese Bueno na busy sa baking at Pilates; at si Love Chua na isang volleyball fan and traveller.

Ang four good-looking males na busy sa runway at Tiktok ang maglalaro sa Team Hunks.

Pangungunahan ito ni RK Jusay, isang content creator at model from Las Piñas. Makakasama niya sa Family Feud stage ang ramp modelling buddies. Ang athlete sa basketball court at online games mula sa Tanauan City, Batangas na si Brent Mendoza; at ang dalawang male pageant regulars mula sa Cebu: si Rogie Baclay na mula sa earthquake-stricken Carcar town, at ang Cebu City native na si Adrien Espinosa na naka-survive sa nagdaang Typhoon Tino.

Ibabahagi pa nila ang kanilang istorya at mga pinagdaanan para makapunta sa Family Feud.

Tutukan ang Friday night episode ng Family Feud ngayong November 21, 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: