
May sari-saring reaksyon ang ilang alumni at kasalukuyang estudyante ng University of the Philippines sa Los Baños, Laguna nang malaman nila na tampok ang kanilang campus bilang isa sa shooting location ng digital series ng GMA na In My Dreams.
Ang nasabing series ay pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts o kilala rin bilang Team Jolly na sina Allen Ansay at Sofia Pablo na napapanood online sa social media pages ng GMA Public Affairs.
“Sayang hindi ko man lang sila nakita. Dito sila sa UP Los Baños nag-shooting,” komento ng isang estudyante na nanghihinayang at hindi umano naabutan ang taping.
“Kakamiss sa UPLB,” saad naman ng isang alumnus.
Kuwelang comment naman ng isang incumbent student sa In My Dreams stars, “Apply tayo as extra sabay kunyare nabangga natin sila.”
Iikot ang kuwento ng In My Dreams sa business student at no boyfriend since birth o NBSB na si Sari na ginagampanan ni Sofia, at kay Jecoy na binibigyang-buhay naman ni Allen.
Upang maibsan ang kaniyang kalungkutan sa realidad ng buhay, nakabuo ng bagong mundo si Sari sa pamamagitan ng lucid dreaming kung saan niya nakilala si Jecoy. Sa kaniyang panaginip, pawang kasiyahan lamang ang kaniyang nararanasan kasama si Jecoy.
Pero ang pag-ibig na sa panaginip natagpuan, kaya bang itawid sa totoong buhay?
Mapapanood ang In My Dreams sa GMA Public Affairs' Facebook page at YouTube account tuwing Martes at Huwebes, 6:00 p.m.
SILIPIN ANG NAGING TAPING NG IN MY DREAMS SA UPLB SA GALLERY NA ITO: