
Nagpasalamat ang Kapuso actress at Sparkada member na si Vanessa Peña sa pagkakataong ibinigay sa kanya para gampanan ang karakter bilang Nikki Suarez sa GMA suspenserye na Widows' Web.
Makikita sa latest Instagram post ng teen actress ang mga larawan kasama ang kanyang Widows' Web family. Ibinahagi rin ni Vanessa ang mahabang mensahe ng pasasalamat para sa kanyang co-stars, directors, managers, at fans.
Sulat niya sa caption, “Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kauna-unahang suspenserye na Widows' Web. 'Yung inabangan po talaga nila kung sino tunay na killer thank you po! Thank you rin po kina direk @jerrrylopezsineneng, Miss Helen Sese, Miss Kate Cadsawan, at direk @iamphilliplazaro, maraming salamat po dahil naniwala po kayo sa kakayahan ko, nagtiwala po kayo sa akin na gampanan si Nikki Suarez. Super thank you po dahil napabilang ako sa Widows' Web family.
“Sa mga cast, super salamat din po dahil hindi ninyo pinaramdan sa'kin na bago lang po ako. Salamat po dahil tinulungan niyo rin po ako magawa 'yung mga challenging na eksena lalo na po kay Miss Vaness Del Moral nung time na sinuportahan niyo po ako, salamat po talaga.”
Dagdag niya, “@sparklegmaartistcenter fam! And Miss Tracy Garcia my supportive manager and Sir Edz my handler, thank you po! [Syempre] sa VanVenus family, thank you sa support and tiwala! Pangarap ko po ito at dahil po sa inyo, unti-unti na po syang natutupad. MARAMING SALAMAT PO! Mamimiss kita Nikki!
“Nikki Suarez now signing off.”
Noong April 29, ipinalabas ang killer finale ng Widows' Web, kung saan inilahad na si Atty. Boris Tayuman (Christian Vasquez) ang totoong tumapos sa buhay ni AS3 (Ryan Eigenmann).
Mapapanood naman ang full episodes ng Widows' Web sa GMANetwork.com.
Samantala, mas kilalanin pa si Vanessa Peña sa gallery na ito.