What's on TV

Vice Ganda speaks out about society's treatment of the LGBTQ+ community

By Kristine Kang
Published May 24, 2024 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Vice Ganda on fitting in society as part of the community: "Pinipilit naming ma-iba 'yung totoong pagkatao namin para lang maging mabuti kayo sa amin."

Maraming sumang-ayon at naantig sa makabuluhang usapan ng It's Showtime hosts noong Huwebes (May 23) sa patok nilang segment na 'EXpecially For You.'

Nagsimula ang kanilang talakayan nang ikinuwento ng mga guests na sina Shane (searchee) at Mak Mak (ex) ang kanilang breakup story.

Ibinunyag kasi ni Shane na nahuli niya raw si Mak Mak noon na nakipag-date sa kanilang lalaking kaibigan. Nang kinausap niya ang kaniyang dating kasintahan, doon inamin ni Mak Mak na ginamit lang siyang panakip butas para maitago ang kanyang totoong pagkatao bilang gay.

Nang marinig ito ni Vice Ganda, ikinuwento niya, "Hindi ko sinasabing tama iyon kasi ako ginawa ko rin 'yun eh, nag-girlfriend ako kasi para baka maging lalaki ako, maging straight ako. Pinipilit naming ma-iba 'yung totoong pagkatao namin para lang maging mabuti kayo sa amin. "

Dagdag ng Unkabogable Star, "Kasi kung magiging ganun kami, lolokohin ninyo kami, aasarin ninyo kami, pagagalitan kami sa bahay, puwede kami itakwil, lalayuan kami, magiging iba ang pagturing ninyo sa amin. Dahil sa sobrang takot na nararamdaman namin na gaganunin ninyo kami. Pinipilit naming ibahin 'yung totoong kami at lokohin ang mga sarili namin. Para lang magustuhan ninyo kami at tanggapin ninyo kami. Ganoon iyon kahirap. Hanggang sa ma-realize namin na, hanggang sa mag-mature na lang kami na, 'Hindi, hindi na namin kailangan ng pagtanggap ninyo. Tanggap ninyo kami o hindi, tanggap namin ang mga sarili namin at itutuloy ko kung ano 'yung tinitibok ng puso ko at hindi ko babaguhin ang pagkatao ko.' Ganoon siya kahirap."

Pero kahit ganoon pa man, nilinaw ni Vice na mali pa rin gumamit ng ibang tao para maitago lang ang tunay mong pagkatao.

Habang tumatagal ang kanilang usapan, nabanggit din ni Vice ang epekto ng nakikita ng mga bata sa pagtrato ng karamihan sa LGBTQ+ community.

"Lalo na 'pag marami kang nakikita sa lipunan kung paano ang tratong nakukuha ng umaamin. Natatakot ka, natatakot 'yung mga bata para umamin," pahayag ng host.

Ibinahagi pa ni Vice na marami siyang nakikitang videos online, kung saan ipinapakita ang pagtrato ng lipunan tungkol sa LGBTQ+ community.

Sa isang napanood daw niyang video, may grupo ng mga students sa isang training activity na tinatanong ng kanilang lider o professor kung "Barbie" ba sila.

Habang pinapanood niya ito, napakwestyon daw si Vice kung ano ba ang meron sa Barbie.

Sabi niya, "Ano ba ang Barbie? Is it something negative? Is it something bad? 'Yung pagiging Barbie ba ay isang bagay na nakamuhi-muhi? Na 'pag napatunayan naming Barbie ka, may mangyayari masama sa iyo? Kasi 'yung tanong it's not a plain question parang threat."

Dahil sa mga ganoong klaseng videos, marami raw tuloy natatakot umamin at magpakatotoo sa kanilang pagkatao.

Para sa mga It's Showtime host, nakalulungkot daw isipin na hanggang ngayon ay may ganoon pa ring mga klaseng tao.

Sabi din ni Kim Chiu, " Dapat ano na, open na tayo, kasi self expression iyon ng bawat isa, 'di ba?"

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.