
Naghatid ng good vibes online ang Kapuso hunk actor na si Vince Maristela kasama ang premyadong aktres na si Charo Santos-Concio.
Kumasa sa acting challenge ang Delivery Boi actor kasama ang veteran star habang nasa isang fashion event kamakailan. Sa Instagram, ibinahagi ng hunk actor ang video niya kung saan binibigkas niya ang "Dear Charo" gamit ang iba't ibang emosyon habang nagre-react naman ang veteran star.
“Acting challenge with the one and only @charosantos,” sulat niya sa caption.
Bukod dito, ibinahagi ni Vince ang ilang mga larawan nila ni Charo sa MEGA Ball 2026 at inihayag kanyang pasasalamat sa huli dahil sa pagiging inspirasyon nito sa maraming artists.
“Congratulations, Ma'am @charosantos. Thank you for inspiring many generations of artists. A legend. An icon,” sulat niya.
Matatandaan na nag-viral si Vince matapos ang naging sagot niya sa “Laro Laro Pick” segment ng It's Showtime kamakailan.
Sa naturang episode, tinanong ni Unkabogable Star Vice Ganda si Vince kung sino'ng letter C ang host ng isang drama program at mali ang sagot ng huli dahil ang sinabi niyang pangalan ay si Cory Vidanes, ang Chief Operating Officer ng ABS-CBN. Ang tamang sagot sa katanungan ay si Charo.
Kasalukuyang napapanood si Vince sa The Secrets of Hotel 88 tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m., sa GMA Prime.
Samantala, kabilang ang aktor sa upcoming Kapuso drama-comedy series na Delivery Boi, na pagbibidahan ng Sparkle actor na si Will Ashley.
Related gallery: Vince Maristela, the budding primetime hunk you should watch for