GMA Logo Viy Cortez
Photo source: Viy Cortez (FB)
What's Hot

Viy Cortez, matapang na sinagot ang bashers: 'Alam ko saan ako nagkamali'

By Karen Juliane Crucillo
Published September 23, 2025 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Typhoon Obet nears Northern Luzon; Habagat to affect Luzon
Man linked to bombing, BPAT killings in Sultan Kudarat nabbed
Alex Eala achieves new career high as world No. 18

Article Inside Page


Showbiz News

Viy Cortez


Matapang na ipinaglaban ng content creator na si Viy Cortez ang kanyang paninindigan sa gitna ng natatanggap niyang pambabatikos kaugnay sa isyu ng korapsyon.

Sa gitna ng mga isinagawang protesta laban sa korapsyon, nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon ang content creator na si Viy Cortez, matapos makatanggap ng pambabatikos nang mag-post na kasama ito sa rally noong Sunday, September 21.

Muling binalik ng netizens ang political views ni Viy at ng kanyang asawa na si Cong TV kung saan kabilang panig ang suportado nila noong eleksyon.

Sa Facebook, inamin ni Viy ang kanilang naging pagkakamali at ipinaglaban ang bago nilang paninindigan na suportahan ang laban kontra katiwalian.

“Sa totoo lang, natatakot kami mag-asawa mag post dahil alam namin na mababalik lahat ng galit sa amin. Pero mas okay na magsalita kesa manahimik!” isinulat nito.

Sa pagsasalita ni Viy, sabi nito na handa siyang tanggapin lahat ng pangbabatikos kung ito ang ikakagaan ng nararamdaman ng mga tao.

“Basta pare parehas tayo ng gusto, matupad ang birthday wish ni Ms. Kara David! Hinding hindi ako mag sisisi na sa wakas nagamit ko tong FB ko ng tama! Hindi ko pagsisisihan na nasabi kong P*TANG *NA NAKAW PA!” paliwanag nito.

Sa isa pang post, ikinuwento ng content creator na gumaan ang pakiramdam nito simula nang siya ay magsalita na tungkol sa kanilang isyu.

“Nababash ako noon at ngayon na naman ulit. Tanggap ko ng buong puso dahil alam ko saan ako nagkamali. Ang pinagkaiba lang ngayon mas malaya sa pakiramdam,” aniya. “Tuloy ang buhay.”

Ang "Trillion Peso March" ay nangyari sa EDSA People Power Monument habang ang isa pang rally na "Baha sa Luneta: Aksyon na Laban sa Korapsyon" ay naganap sa Rizal Park sa Maynila.

Nakiisa rito ang ilang celebrities tulad nina Dingdong Dantes, Vice Ganda, Anne Curtis, Jasmine Curtis-Smith, Ion Perez, Darren Espanto, Kuya Kim Atienza, Dustin Yu, David Licauco, Faith Da Silva, Benjamin Alves, Andrea Brillantes, Elijah Canlas, Gardo Versoza, at iba pa.

Samantala, tingnan dito ang celebrities na nakisama sa September 21 rally: