GMA Logo Wacky Kiray, Negi
source: FastTalkGMA/FB
What's on TV

Wacky Kiray, Negi, nakaranas din ng "hiraman" ng jokes sa comedy bar

By Kristian Eric Javier
Published March 7, 2025 10:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

More airport passengers recorded during holidays in 2025 vs. 2024 – MIAA
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Wacky Kiray, Negi


Maging kina Wacky Kiray at Negi, nangyayari rin ang "hiraman" ng jokes.

Sa pagbisita ng mga komedyante na sina Wacky Kiray at Negi sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 6, inamin nilang maging sila ay nakaranas na rin ng hiraman at nakawan ng jokes kapag nagpe-perform sila sa comedy bars.

Kwento pa ni Wacky, minsan ay sa harap pa nila mismo ginagawa ang sarili nilang joke. Ngunit aniya, madalas, hindi alam ng gumagawa ng orihinal nila itong materyal.

“Yes, 'yung mga juniors. Actually, Tito Boy, hindi naman ako madamot sa mga ganiyan e. 'Pag naibato mo, bato mo,” sabi ni Wacky.

Ngunit pakiusap lang niya ay kung manggagaya man ng joke ang ibang komedyante ay bigyan sana nila ito ng hustisya dahil madalas ay mas magagalit sila sa nangopya.

Naranasan 'di umano ni Negi na naunahan siyang gawin ang joke na ibabato sana niya sa kaniyang performance. Kuwento niya, sa isang comedy bar kung saan sila nagtatanghal ay naturuan silang 'wag gawin iyon bilang respeto sa orihinal na gumawa ng joke.

“Pero totoo, nangyayari 'yung nakawan ng joke talaga. Actually, maganda nga pakinggan, hiraman na lang e, 'no. At saka minsan, hinihingi po kasi ng pagkakataon na kailangan mong mabitawan 'yun,” sabi ni Negi.

Pagbabahagi naman ni Wacky, merong dalawang klaseng joke; one liners, at mahabang kwento na ang bagsak ay sa punchline ng joke. Aniya, “'Pag 'yung mahaba ginaya mo, ay, iba na 'yun. 'Yung mahabang kwento na 'yun nag bagsak, eksakto, iba na 'yun.”

Sinang-ayunan din nina Wacky at Negi ang sinabi ni King of Talk Boy Abunda tungkol sa kawalan ng copyright o legal documents na nagsasabing ang isang joke ay orihinal na gawa ng isang komedyante.

Sa February 20 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, matatandaang inamin ng komedyante na si Alex Calleja na nasaktan siya sa mga akusasyon noon na ninakaw niya ang isang joke.

“Masakit 'yung salitang nakaw eh, nakarating 'yon sa anak ko. Nakaw talaga 'yung word na iniiwasan namin, puwedeng 'uy may similarity tayo,' puwedeng in a nice way eh,” sabi ni Alex.

Inakusahan kasi ng isang writer si Alex na ninakaw diumano ang isang “car wash” joke ngunit napatunayan niyang siya ang orihinal na gumawa. Humingi na ng tawad ang naturang writer na tinanggap din naman ng komedyante.

RELATED GALLERY: BALIKAN ANG SUPERSTAR COMEDIANS NA DUMALO SA GMA GALA NOONG 2024 SA GALLERY NA ITO: