
Bago pa mapanood bilang guest actors sa Abot-Kamay Na Pangarap sina Max Collins at Dion Ignacio, good vibes na ang kanilang dala sa set ng serye.
Habang nasa taping, naisipan nina Max, Dion, at ng Abot-Kamay Na Pangarap actors na sina Andre Paras at John Vic De Guzman na magsukatan ng height kasama ang lead star na si Jillian Ward.
Sa isang video, mapapanood na ang mga aktor na isa-isang sinasabi ang kanilang height hanggang sa maitutok na kay Jillian ang camera.
Imbes na sabihin ang kaniyang height, sinabi ni Jillian na, “Hi I'm Jillian and I'm happy.”
Bukod sa kanilang lima, naaliw rin ang kanilang co-stars na kasama nila noong araw na kinuhanan ang kanilang kulitan moment sa set ng trending na GMA afternoon series.
Panoorin ang nakatutuwang video nila RITO:
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAPANOOD AT MAPAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: