GMA Logo Max Collins at Dion Ignacio
Courtesy: maxcollinsofficial (IG) and dion_ignacio (IG)
What's on TV

Max Collins at Dion Ignacio, mapapanood sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published January 19, 2023 11:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins at Dion Ignacio


Abangan ang roles ng bagong 'Abot-Kamay Na Pangarap' guest actors na sina Max Collins at Dion Ignacio.

Unang buwan pa lamang ng 2023, pero napakarami nang pasabog na eksena ang inihandog ng hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Bukod sa mas maiinit na eksena nina Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) at Moira Tanyag (Pinky Amador), kaabang-abang din ang mga aktor na mapapanood sa serye.

Malapit nang mapanood sa trending afternoon series ang Sparkle artist na si Max Collins at StarStruck alumnus na si Dion Ignacio.

Ngayong Huwebes, January 19, ang kanilang last taping day para sa kanilang mga karakter.

Ano kaya ang roles nila sa Abot-Kamay Na Pangarap?

Kabilang ba sila sa mga taong magtitiwala sa kakayahan ng genius doctor na si Dra. Analyn? O katulad din sila ni Moira at ng iba pang nang-aapi sa pinakabatang doktor sa bansa?

Matatandaang ilan sa guest actors na unang napanood sa serye ay sina Lianne Valentin, Anjo Damiles, Shaira Diaz, Joyce Ching, Betong Sumaya, Arny Ross, at marami pang iba.

Ang Legaspi twins naman na sina Mavy at Cassy Legaspi ay kasalukuyang napapanood sa serye bilang kambal din na sina Jordan at Jewel.

Ang gumaganap na nanay nila rito ay ang aktres na si Samantha Lopez.

Sabay-sabay nating abangan sina Max at Dion sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAPANOOD AT MAPAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: