
Tatlong linggo na lamang ang natitira bago ang pagtatapos ng inspiring GMA Telebabad series na The Gift.
Bittersweet ito para kay Alden pero mayroon daw siyang babaunin sa pagtatapos nito.
"In the past five years, this is my longest teleserye to date.
"Siyempre, mami-miss ko 'yung set. Ang sigurado sa amin, kahit matapos 'yung show, babaunin namin 'yung relationship na nabuo dito. Hindi magatatapos sa teleserye lang," aniya.
Samantala, natanong din kay Alden ang kanyang low-key na pagtulong sa mga nasalanta ng Bulkang Taal.
Personal kasi niyang inihatid ang kanyang tulong sa mga evacuation centers sa Alitagtag at Mataas na Kahoy sa Batangas.
Naging matipid ang aktor sa detalye dahil nais niyang maging tahimik tungkol sa kanyang pagtulong.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.
WATCH: Alden Richards, personal na naghatid ng tulong sa ilang evacuation centers sa Batangas
Alden Richards, tahimik ang pagtulong sa Taal evacuees