What's on TV

WATCH: Andrea Torres, umaasang magugustuhan ng mga bata ang 'Victor Magtanggol'

By Marah Ruiz
Published July 26, 2018 1:51 PM PHT
Updated July 26, 2018 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Discussion: Filipino students are ready to lead—but why are they leaving?
Dead dog used to get donations? Advocates sound the alarm
Frozen saging na may iba't ibang flavors, patok na negosyong ngayong tag-init! | Pera Paraan

Article Inside Page


Showbiz News



Excited na si Andrea Torres na makilala ng mga manonood ang 'Victor Magtanggol' character niyang si Sif na isang Norse goddess.

Gaganap bilang isang diyosa si Kapuso actress Andrea Torres sa upcoming GMA Telebad series na Victor Magtanggol.

Excited na rin daw siyang makilala ng mga manonood ang kanyang karakter—ang Norse goddess na si Sif. 

"Isa siyang goddess at siya ang tutulong kay Victor. Ite-train ko si Victor para mas magawa niya 'yung tungkulin niya bilang superhero," pahayag niya. 

Dahil kakaiba ang hitsura at bihis ni Sif, sa tingin daw niya ay magiging memorable ito para sa mga bata.

"Na-i-imagine ko na ma-a-appreciate talaga siya ng mga bata. Parang maiisip talaga nila na para silang nanonood ng favorite nila na cartoon," aniya. 

Panoorin ang buong interview ni Andrea sa exclusive online video na ito.