
Suportadong suportado ni David Rainey ang kanyang girlfriend na si Glaiza de Castro sa kanyang mga showbiz commitments.
Sa katunayan, sinama pa ni Glaiza ang kanyang Irish boyfriend sa nominees night ng Luna Awards.
IN PHOTOS: Glaiza de Castro and David Rainey's cutest photos
"Okey na rin na makita niya 'yung mundo na ginagalawan ko," saad ni Glaiza.
"Okey na rin na makita niya kung paano ako magtrabaho, 'yung mga katrabaho ko para magkaroon siya ng idea na hindi talaga madali."
Mapapanood si Glaiza sa drama-anthology na 'Magpakailanman,' mamaya, November 23, kung saan gagampanan niya ang isang probinsyana na nakapangasawa ng taga-Maynila.
Magpakailanman presents "Sino Ang Baliw?"
IN PHOTOS: Glaiza De Castro, makukulong sa mental hospital sa 'Magpakailanman'
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras: