
Kahit ano pa man ang nararamdaman mo, ang mga Kapuso comediennes na sina AiAi Delas Alas, Divine Tetay, Tekla,at Kiray Celis ay laging may hatid na kasiyahan at ngiti na magpapagaan sa araw mo.
Kung tutuusin nga naman, ang pagpapatawa ang bumubuhay sa kanila.
“Real gift yan.” ayon kay Tekla.
Dagdag pa niya, “Ang sarap magpatawa at magperform.”
IN PHOTOS: At the story conference of Super Tekla's first movie
Ayon sa kanila, madali man o hindi ang kanilang pinagdadaanan, the show really must go on.
Sabi ni Kiray, “Struggle kasi akala nila na everytime na kapag nakikita nila kami feeling nila ang saya-saya namin palagi.
“Nakakalimutan nila na may nararamdaman din ako. Hindi ko kayang ipakita yung mga ganung moment,” dagdag nya.
Ngunit sa kabila ng kalungkutan, mas madali daw para kay Divine Tetay na maka-recover dahil sa kanyang trabaho.
“Because we need to put on a happy face.
So eventually, it helps us heal faster and deal with whatever problems there is ” ani niya.
Panoorin:
WATCH: Tetay, may natupad sa kanyang bucket list dahil sa 'Magpakailanman'