
Saan nga ba nag-umpisa ang bibo at cute na si Yuan "Paopao" Francisco?
Unang nakilala si Paopao bilang isang cute na commercial model. Ayon sa ulat ni Rhea Santos sa Tunay na Buhay, isang talent scout ang nakadiskubre kay Paopao noong four years old pa lamang ito sa isang audition para sa TV series. Ang talent scout na ito ang nagimbita sa kanya na magaudition para sa TV commercial.
"Lagi po akong natatanggap." Natutuwang kuwento ni Yuan tungkol sa kanyang mga pag-audition.
Taong 2016 naman nang mapanood ng staff ng GMA si Yuan. Naimbitahan si Yuan para mag-audition sa Encantadia at pinalad na mapabilang rito. Pagkatapos nito ay sunod sunod na ang mga proyektong ginawa ni Yuan sa GMANetwork.
Ilan sa mga nakasama ni Yuan sa mga proyekto ay sina Kylie Padilla, Ruru Madrid at Kris Bernal na nagbahagi ng kanilang mga papuri sa batang aktor.
Panoorin ang buong kuwento ni Yuan mula sa Tunay na Buhay.