What's Hot

WATCH: Training ni Alden Richards para sa bagong pelikula, ibinahagi sa 'Unang Hirit'

By Cara Emmeline Garcia
Published July 15, 2019 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iñigo Jose names Kapuso actresses he wants to work with
Ogie Alcasid gives seven relationship tips for daughter Leila Alcasid
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Inamin ni Alden Richards na hindi naging madali ang kanyang paghahanda para sa pelikulang 'Hello, Love, Goodbye.'

Ika nga nila ang pag-o-OFW ay hindi madaling trabaho.

Alden Richards
Alden Richards

Ito ang natutunan nina Alden Richards sa kaniyang paghahanda noong mga nakaraang buwan para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Sa taped interview ng Unang Hirit, umaming nahirapan ang Kapuso actor sa pagba-bartend kaya mas lumaki ang paghanga niya sa mga ginagawang propesyon ito.

Aniya, “I just did a crash course but that was like three to six hours e.

“'Di madali kasi ang dami kong natutunan sa bartending and 'yung experiences niya talagang its really a career.

“Kasi minsan if you notice 'yung mga kamay ng bartenders, they don't have beautiful hands kasi nasusunog siya ng alcohol every time they bartend.

“Ganun pala 'yun. So every night 'di ba they mix a lot of drinks so siyempre nalalagyan ng alcohol yan. Lumalambot 'yung palad tapos nagbuburn siya so hindi rin siya madali rin kasi parang naluluto siya nung alcohol.”

Mga Kapuso, abangan ang morning kulitan at chikahan nina @aldenrichards02 at @bernardokath mamaya sa #UnangHirit! Sino na ang excited? 😍 #KathAldenOnUH 📷 @kapusoprgirl

Isang post na ibinahagi ni Unang Hirit (@unanghirit) noong

WATCH: Alden Richards, humanga sa OFWs sa Hong Kong

Sa parehong interview isinalaysay rin ni Kathryn na hindi naging glamorosa ang kaniyang paghahanda dahil gusto ng kanilang direktor na maging kapani-paniwala ang bawat eksenang gagampanan niya.

“Bago pa lang kami lumipad papuntang Hong Kong, binilin na mag-start na akong maglinis ng cr sa bahay. As in kuskusin lahat,” aniya.

“Hanggang sa dumating doon [sa Hong Kong], no special treatment at no standby area. Pwede kaming utusan at pwede kaming pagbuhatin kasi parang kailangan maging isa kami sa kanila.

“Pagluluto, pagsampay, ganyan... Lahat 'yun totoo kasi ayaw ni Direk [Cathy Garcia-Molina] na dayain kasi parang niloloko lang 'yung manonood.”

Sa pelikula, gagampanan ni Alden ang karakter ni Ethan, isang OFW sa Hong Kong. Pagtatagpuin sila ng karakter ni Kathryn Bernardo na si Joy na isang baguhang OFW.

Makakasama rin nina Alden at Kathryn sa Hello, Love, Goodbye sina Lovely Abella, Kakai Bautista, Jeffrey Tam, Joross Gamboa, at Jameson Blake.

Mapapanood ito simula July 31.

Panoorin ang segment na ito:

Cathy Garcia-Molina praises Alden Richards's acting: “Hindi siya marunong umarte, magaling siya!”

WATCH: Alden Richards ikinuwento ang kaniyang first impression kay Kathryn Bernardo sa 'Unang Hirit'