
Sa August 15 episode ng Victor Magtanggol, mapapadpad si Sif (Andrea Torres) sa Midgard matapos tumakas mula kina Loki (John Estrada) at Modi (Pancho Magno) sa Asgard.
Bilang asawa ni Thor (Conan Stevens), siya na rin ang magsasanay kay Victor (Alden Richards) para matutunan nitong gamiting ang kapangyarihan ng mjolnir.
Pero dahil bagong dayo siya sa mundo ng mga tao, makikituloy muna siya sa tahanan ng mga Magtanggol.
Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.