
Million viewers ang walang humpay na nag-aabang sa bawat eksena sa murder mystery drama na Widows' War.
Ipinalabas na ang ika-isandaang episode ng serye noong Biyernes, November 15.
Unang natunghayan dito kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nina Sam at George, ang mga karakter ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Isa sa pinaka nag-trending ay ang nakakakilig na pag-iibigan nina Sam (Bea Alonzo) at Paco (Rafael Rosell).
Pinakapinag-uusapan naman ngayon ay ang sunud-sunod na patayan, kung sino ang killer, at sino ang mastermind sa masasamang pangyayari.
Kabilang na sa mga ito ang misteryosong pagkamatay ng magpinsan na sina Paco Palacios (Rafael Rosell) at Basil Palacios (Benjamin Alves).
Si Paco ay anak ni Madam Aurora (Jean Garcia) habang si Basil naman ay anak ni Galvan (Tonton Gutierrez).
Samantala, tampok din sa serye ang pinakapaboritong karakter ng viewers, sina Sam at George.
Kasalukuyan silang nagdadalang-tao at patuloy silang lumalaban para sa kani-kanilang mga pamilya.
Abangan ang iba pang mga rebelasyon at intense scenes sa hit murder mystery drama.
Tumutok sa Widows' War tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.