
Isa na namang makulit na video ang inilabas ni Prima Donnas star Will Ashley sa kanyang YouTube channel nitong Sabado, June 20.
This time, na-prank niya ang kanyang Mommy Mindy at pinaniwalang masama ang pakiramdam niya. Hindi naman siya nag-iisa sa prank dahil kakuntsaba niya ang kanyang Ninang Karen.
Ipinamalas din ni Will sa vlog ang talento niya sa pag-arte dahil napapaniwala niya ang mommy niya na may masakit siya.
Will Ashley, 'Jojowain o Totropahin' si Jillian Ward?
Althea Ablan, nakatanggap ng 5k na ayuda mula kay Will Ashley?
WATCH: Will Ashley at 'Prima Donnas' teens, enjoy sa kanilang bakasyon
“Ashley, labanan mo 'yan. 'Wag kang yumuko. 'Wag kang mag-panic. Relax ka lang,” lahad ni Mommy Mindy.
Maya-maya pa ay nilapitan na rin si Will ng mommy niya at minasahe para unti-unting maibsan ang umano'y masamang pakiramdam niya.
Tinangka rin siyang painumin ni Mommy Mindy ng gamot.
Will Ashley gets emotional while looking at old photos
Paano kaya mabubuko ni mommy niya na prank lang ang lahat?
Watch this and see yourself: