
Tuloy-tuloy ang paghahatid ng biyaya ng bagong Wish Ko Lang sa kanilang 19th Instant Wishes promo. Ang pinakahuling lucky winner ay ang housewife na si Allona Jean Placio na naging viral kamakailan ang paghingi ng tulong para sa anak na may sepsis.
Nito lamang August 26 ay isinugod sa ospital ang seven-week-old na anak ni Allona na si Primo Jax Romero dahil sa sakit na sepsis.
Bukod pa rito ay nagkaroon din ng iba pang komplikasyon ang sanggol at kinailangang putulin ang tatlong daliri nito upang hindi na kumalat sa kanyang katawan ang impeksyon.
Si Baby Primo Jax Romero, ang sanggol na nagkaroon ng sepsis / Source: Wish Ko Lang
Kasalukuyan pa ring nasa ospital si Baby Primo at nagpapagaling.
Mabuti mang balita na naagapan ang sakit ng sanggol ay problema naman ni Allona ang patuloy na lumalaking hospital bills nila dahil sa tagal ng pagkaka-confine ng kanyang anak.
Seaman ang asawa ni Allona at isang taon itong hindi nakasakay sa barko dahil sa pandemya.
Kamakailan lang ulit nakabalik sa pagtatrabaho sa barko ang asawa ni Allona kaya hiling niya na sana matulungan sila sa pagbayad ng mga bayarin sa ospital.
At nitong October 2, si Allona ang mapalad na naging winner sa "19 Instant Wishes" promo ng bagong Wish Ko Lang.
Sina Allona Placio at Baby Primo / Source: Wish Ko Lang
Kaya naman ang hiling na financial assistance ni Allona para sa hospital bills ni Baby Primo, wish granted na ng programa.
Bukod pa rito, ipinagkaloob din kay Allona ang negosyo package worth P50,000 upang magkaroon sila ng pagkukunan para sa paggagamot kay Baby Primo.
Kasama rito ang beauty products and accessories business, rtw business, carinderia business, at may kasama pang grocery items, hair styling services para kay Allona at Wish Ko Lang money bowl.
Ikaw rin puwedeng susunod na lucky winner sa "19 Instant Wishes" promo ng bagong Wish Ko Lang.
I-follow lang ang kanilang official Facebook page at abangan ang bagong post kung saan dapat i-comment ng iyong wish tulad ng nasa ibaba.
At patuloy na manood ng bagong Wish Ko Lang tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA, para sa mga istoryang kapupulutan ng aral at inspirasyon.