GMA Logo My Guardian Alien ratings art card and My Guardian Alien title card
PHOTO COURTESY: GMA Network, GMA Drama (FB)
What's on TV

World premiere ng 'My Guardian Alien,' panalo sa ratings!

By Dianne Mariano
Published April 3, 2024 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

My Guardian Alien ratings art card and My Guardian Alien title card


Maraming salamat sa pagsubaybay sa world premiere ng 'My Guardian Alien,' mga Kapuso!

Maraming manonood ang tumutok sa pilot episode ng pinakabagong primetime series na My Guardian Alien, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Related gallery: Meet the stellar cast of 'My Guardian Alien'

Patunay rito ang mataas na TV ratings na nakuha ng nasabing programa nitong April 1 dahil nakapagtala ito ng 11.1 percent, base sa data ng NUTAM People Ratings.

Ipinakilala sa unang episode ang pamilya Soriano na binubuo ng mag-asawang Katherine (Marian Rivera) at Carlos (Gabby Concepcion), pati ang kanilang anak na si Doy (Raphael Landicho).

Nais nina Katherine at Carlos na magpakasal sa ikaapat na pagkakataon ngunit tila tutol pa rin ang ina ng huli na si Nova (Marissa Delgado) sa pagmamahalan ng dalawa. Nasaktan si Katherine dahil pakiramdam niyang hindi pa rin siya tanggap ng kanyang mother-in-law bilang asawa ng anak nito.

Nagulat at nadismaya si Katherine nang ipakilala ng kanyang biyenan ang isang taong sinasabing dati nang kaibigan ng kanilang pamilya at ito ay si Venus (Max Collins). Umuwi ng Pilipinas si Venus upang maging kakampi sa negosyo ng pamilya ni Carlos, bagay na hindi sinuportahan ni Katherine dahil sa kasalanan ng pamilya ng una sa kanya.

Samantala, nagbibisikleta si Katherine kasama ang kanyang asawa't anak at may nakita ang una na dalawang lalaking nag-aaway. Nagulat si Katherine nang makarinig na lamang ng putok ng baril at nakita siya ng lalaking may kagagawan nito.

Nagmakaawa si Katherine kay Minggoy (Arnold Reyes) na huwag siyang patayin dahil siya'y may pamilya ngunit binaril pa rin siya ng huli. Labis ang sakit na naramdaman nina Carlos at Doy nang mamatay si Katherine.

Balikan ang pilot episode ng My Guardian Alien sa video na ito.

Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.

Maaari ring mapanood ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.