
Mapapanood na mamayang gabi ang pinakabagong primetime series na My Guardian Alien, na pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Makakasama sa star-studded cast ng nasabing serye sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray kasama si Marissa Delgado.
Iikot ang kuwento ng My Guardian Alien sa alien na nagngangalang 11-1-20-8-5-22-9-12-5, na nakapaloob sa isang pod at aksidenteng bumagsak mula sa space at nahulog sa Earth.
Nang aksidenteng bumagsak ang alien pod sa mausoleum kung saan nakahimlay si Katherine (Marian Rivera), magta-transform ang life force at gagayahin ang anyo ng una.
Panoorin ang trailer ng My Guardian Alien sa video na ito.
Sabay-sabay nating abangan ang world premiere ng My Guardian Alien ngayong April 1, 8:50 p.m., sa GMA Prime.
MEET THE CAST OF MY GUARDIAN ALIEN IN THIS GALLERY.