GMA Logo SB19 WYAT
What's Hot

'WYAT' ng SB19, pasok sa Hot Trending Songs chart ng Billboard

By Aimee Anoc
Published November 20, 2022 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kalabaw, natagpuang patay na nakabigti sa puno sa Aklan
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 WYAT


Nakuha ng SB19 ang ikapitong pwesto sa most discussed songs on Twitter para sa latest single nilang "WYAT" (Where You At).

Tuloy-tuloy ang mga bagong achievement ng phenomenal Pinoy band na SB19!

Matapos ang matagumpay na concert sa Los Angeles, California, panibagong magandang balita ang natanggap ng grupo nang muli silang makapasok sa Hot Trending Songs chart ng Billboard para sa bago nilang single na "WYAT" (Where You At).

Sa kanilang social media pages, pinasalamatan ng grupo ang kanilang fans sa umaapaw na suportang natatanggap. "Thank you for your continued support as always. Keep 'em coming!"

Sa ngayon, naghahanda ang grupo para sa kanilang WYAT world tour sa Singapore na magaganap sa The Coliseum, Hard Rock Hotel ngayong November 27.

Matapos nito ay magbabalik-bansa ang SB19 para sa kanilang homecoming concert sa Manila, na inihanda ng grupo bilang selebrasyon sa pagtatapos ng kanilang WYAT tour.

Noong Setyembre, inilabas ng SB19 ang single nilang "WYAT," na mayroon ngayong mahigit tatlong milyong views sa YouTube.

TINGNAN ANG WYAT (WHERE YOU AT) WORLD TOUR NG SB19 DITO: