
“I hope you do find the happiness that it is you're looking for.”
Ito ang naging sagot ng aktor na si Xian Lim sa survey question sa Family Feud na “Kung makakasalubong mo ang ex mo, ano ang itatanong mo?”
Isa kasi si Xian sa sumalang bilang studio players sa episode ng game show ngayong Biyernes, May 10, kasama ang leading ladies niya sa bagong pelikula ng GMA Pictures at Viva Films na Playtime na sina Sanya Lopez, Coleen Garcia, at Faye Lorenzo.
Nakalaban nila rito ang Team Ystilo na pinangungunahan ng batikang singer-actress na si Vina Morales.
Sa segment na “Kayo Naman Ang Magtanong” ng Family Feud, kung saan bibigyan ng chance ang viewers na makapagtanong sa guests sa studio, tila na-corner ang aktor na si Xian dahil sa tanong tungkol sa ex na, “Kung makakasalubong mo ang ex mo, ano ang itatanong mo?”
Unang sumagot dito si Coleen, anang aktres, “Uy, friendly ako sa exes ko. Good terms. Dapat good vibes lang palagi.”
Tila nag-aalangan namang sumagot dito noong una si Xian, pero hindi rin nagtagal ay nagsalita na rin ang aktor.
Aniya, “Hindi, puwede bang gusto ko rin mag-contribute. 'Di ba parang from a lady's point of view, from a guy's point of view naman…I think, a, kapag nakasalubong mo ang ex mo, you should say na, 'I hope you do find the happiness that it is you're looking for.'"
Dagdag pa niya, “Dapat masaya, 'di ba dapat masaya kayo para sa isa't isa. Always dapat in good terms.”
Matatandaan na naging usap-usapan ang hiwalayan nina Xian at ng It's Showtime host na si Kim Chiu noong December 2023.
Naungkat muli ito kamakailan lang nang kumpirmahin ni Xian na siya ngayon ay in-a-relationship na sa film producer na si Iris Lee.
Samantala, patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.
Samantala, tingnan sina Xian at Sanya sa upcoming suspense-thriller movie na Playtime dito: