GMA Logo Yasmien Kurdi, Alfred Vargas
Source: FastTalkGMA (FB)
What's on TV

Yasmien Kurdi at Alfred Vargas, tinalakay ang epekto ng video games at social media sa mga bata

By Kristian Eric Javier
Published June 30, 2026 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila Water assures 24/7 supply amid lower Angat allocation
Bea Millan-Windorksi walks the runway for bridal couture show
Pabayang ama, binata pa rin kung umasta! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi, Alfred Vargas


Nagbigay ng kanilang opinyon sina Yasmien Kurdi at Alfred Vargas tungkol sa epekto ng video games at social media sa pag-uugali ng mga bata.

Isa sa mga malalaking isyu na kinakaharap ngayon ay ang bullying na nangyari sa Tacloban kung saan dalawang binatilyo ang namaril sa isang eskwelahan. Ilan sa mga itinuturong dahilan kung bakit humantong sa ganoong pangyayari: video games at social media.

Dahil dito, ilang senador ang nagsusulong ng batas para i-ban ang online games sa mga kabataan dahil sa pagiging bayolente nito.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 29, ibinahagi nina Yasmien Kurdi at Alfred Vargas ang kanilang saloobin tungkol dito.

Para kay Alfred, malaki ang epekto ng video games sa pag-uugali ng kabataan, kaya suportado niya ang panukala ni Senator Bam Aquino na i-regulate at i-calibrate ang video games.

“Well, we have to rely on a science-based approach palagi pagdating diyaan. Pero 'yung nakikita kong mas malalim na problema talaga dito, 'yung responsibility ng parents,” sabi ng actor.

Aniya, kahit gaano pa karaming departamento at government official ang magsalita, kung walang gabay ng magulang, hindi mawawala ang ganitong mga pangyayari.

“Kasi nagsimula lahat e, 'pag sinasabi nilang 'larong bata lang 'yan, okay lang 'yan.' So video games, larong bata 'yan. Pero tingnan n'yo 'yung nangyari. So 'yung mga maliliit na mga bagay, nagpapatong-patong, tapos lalaki 'yan,” pahayag ni Alfred.

KILALANIN ANG ILAN SA MGA CELEBRITY FILIPINA GAMERS SA GALLERY NA ITO:

Bilang isang gamer, sinusubukan muna ni Yasmien ang mga laro bago payagan ang anak dito. At para sa aktres, hindi problema ang laro, kundi ang mga strangers na lumalapit at kumakausap sa mga bata.

“Nakita ko 'yung safety ng anak ko dahil may strangers na kumakausap. 'Yun ang nakita ko. Pero kaming dalawa ng anak ko, we play ML (Mobile Legends) together, we play video games—'yun ang ginagawa ko,” sabi ni Yasmien.

Kaya naman, para protektahan ang anak, kino-connect niya ang social media accounts nito sa kaniya para namo-monitor ang kinokonsumong apps at kinakausap ng anak, at nagagabayan ito.