GMA Logo Yasmien Kurdi
Courtesy: yasmien_kurdi (IG)
What's on TV

Yasmien Kurdi, ipinasilip ang behind-the-scenes na kuha sa taping ng 'The Missing Husband'

By EJ Chua
Published December 14, 2023 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi


Ipinasilip ni Yasmien Kurdi ang ilang scenes sa iba't ibang taping locations ng 'The Missing Husband'.

Bago ipalabas ang finale episode ng The Missing Husband, ipinasilip ni Yasmien Kurdi ang ilang behind the scenes sa set ng serye.

Ang bagong post ni Yasmien sa social media ay isang video, kung saan tampok ang ilang eksena niya sa serye bilang si Millie Rosales.

Mapapanood din dito ang ilang eksena nila ni Rocco Nacino na kilala rito bilang si Anton Rosales, ang asawa ni Millie.

Sa unang parte ng video, ipinasilip ni Yasmien ang isang lugar sa Dubai, kung saan ginawa ang kanyang eksena habang siya ay tumatakas sa mga pulis.

Sa kalagitnaan nito, matutunghayan naman ang ilang behind the scenes na nakuhanan sa iba pang taping locations nila.

Tampok din sa video ang ilang eksena ng Kapuso actress kasama ang kanyang co-star sa serye na si Sophie Albert.

Sa caption ni Yasmien sa kanyang post, ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nanood at talaga namang sumubaybay sa kanilang programa.

Sulat niya, “Maraming Salamat sa viewers ng #TheMissingHusband. Sharing with you our #BTS from different locations [smile emoji]. Hanggang sa muli #GMAAfternoonPrime.”

Tinapos niya naman ang kanyang post sa pag-imbita sa viewers na panoorin ang huling dalawang episodes ng serye,, “Watch our episode later at 4:05PM #Last2Episodes to go, #BuhayTeleserye.”

Isang post na ibinahagi ni Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)

Huwag palampasin ang mga huling tagpo sa pagtatapos ng The Missing Husband.

Mapapanood na ang finale episode sa Biyernes, December 15, 2023, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.