
Nagsimula nang mag-taping para sa upcoming full action series na Black Rider ang aktres na si Yassi Pressman.
Ilang araw lang ito matapos siyang ianunsiyo bilang leading lady ng bida ng serye na si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid.
Bago pa man sumabak sa taping, nag-train din si Yassi sa pagsakay ng motorsiklo.
Kaya naman sa unang sabak niya sa set ng Black Rider, mainit siyang tinanggap ng cast at production nito.
Nakatanggap pa si Yassi ng bouquet na agad niyang ibinahagi sa kanyang Instagram account.
Kasama ni Yassi sa ilan sa mga una niyang eksena sina Rio Locsin, Ashley Sarmiento at Matteo Guidicelli.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Abangan ang Black Rider, soon on GMA Telebabad.